Tinukoy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang overpopulation bilang isang sanhi ng matinding pagbaha sa lalawigan ng Rizal.
Sa situation briefing sa Antipolo City kaugnay ng epekto ng bagyong “Enteng”, kinwestyon ng Pangulo kung bakit dati ay hindi naman gaanong binabaha ang malaking bahagi ng Rizal, ngunit ngayon ay biglang tumaas ang tubig.
Duda ni Marcos, posibleng natakpan o natayuan na ng mga bahay ang mga dating daluyan ng tubig at estero.
Kasama na rin dito ang mga bahagi ng kagubatan na tinayuan din ng mga bahay.
Kaugnay dito, muling iminungkahi ng Pangulo ang pagtatayo ng weirs na magpapabagal sa pagragasa ng tubig.
Sinabi naman ni Rizal Gov. Nina Ynares na itinuturing ding sanhi ng baha ang mga isyu sa kapaligiran at pagtatapon ng basura. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News