![]()
Naglunsad ang Office of Transportation Security (OTS) ng information and awareness campaign sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bago ang Christmas travel rush.
Bilang bahagi ng kampanya, nag-display ng mga item sa NAIA Terminal 3 upang i-educate ang mga pasahero sa mga gamit na pinapayagan, nililimitahan, at ipinagbabawal sa kanilang bagahe.
Ayon kay OTS Administrator Gilbert Cruz, naka-display din ang karaniwang kinukumpiskang items, kabilang ang basyo ng bala, amulets o anting-anting, bullet keychains, at iba pang kahalintulad na bagay na mahigpit na ipinagbabawal sa biyahe.
Idinagdag ni Cruz na maaaring i-surrender ng mga pasahero ang kanilang prohibited items sa OTS booth upang maiwasan ang abala sa X-ray screening process.
Ipinakilala rin ng OTS ang kanilang mascot na si “Mang Nardo”, hango sa karakter ng kwentong “Nardong Putik” na mahilig sa anting-anting.
