Umani ng papuri ang isang Security Screening Officer (SSO) ng Office for Transportation Security (OTS) matapos mag turn-over sa MIAA lost and found section ng isang sobre na naglalaman ng cash na nagkakahalaga ng 50,000 yen o katumbas ng P20,000.
Nakuha ni Alvin Sombilla ng OTS ang naiwang sobre ng pasahero sa security screening checkpoint ng NAIA terminal 3 noong June 9, 2023.
Sinabi ni OTS Administrator Undersecretary Ma.O Aplasca na ipinagmamalaki niya na mas maraming OTS personnel ang nagpapakita ng katapatan sa paggawa ng kanilang trabaho.
Mas marami pa rin anyang SSO ang nagbabalik ng mga gamit na naiiwan ng mga pasahero patunay lamang na mas marami pa rin ang may mabuting loob at gumagawa ng kabutihan.
Dagdag pa ni Aplasca malaki na ang naging improvement sa mga screening operations pati na rin sa values ng mga tauhan dahil sa mga reporma ng OTS. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News