dzme1530.ph

OSG, sinimulan na ang pagre-review sa mga dokumento mula sa quadcom hinggil pagkakaroon ng malalaking lupain ng mga Chinese sa Pilipinas

Nire-review na ng Office of the Solicitor General ang mga dokumentong itinurn-over ng Quad Committee ng Kamara, kaugnay ng mga Chinese national na inakusahang nagtataglay ng pekeng Filipino citizenship para makapag-acquire ng mga ari-arian at makapag-negosyo sa Pilipinas.

Sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra na sa sandaling makakalap sila ng mga sapat na ebidensya ay sisimulan nila ang pagpapatupad ng mga kaukulang legal na hakbang, kabilang ang civil forfeiture, cancellation of birth certificates, deportation, at pagsasampa ng criminal at administrative complaints.

Itinurnover kahapon ng quadcomm leaders sa OSG ang mga dokumento na tumutukoy sa land acquisitions at properties na pinaniniwalaang pag-aari, binili, o napasakamay ng Chinese nationals.

Sinabi ni Quad Comm Lead Chairperson, Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers, na batay sa pag-iimbestiga ng Committee on Public Accounts at Committee on Dangerous Drugs, natuklasan na may ilang Chinese personalities na nakapag-acquire ng libo-libong ektaryang lupain sa Pampanga. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author