dzme1530.ph

Orphanage sa Maynila, tumanggap ng cash, bigas, at iba pang in-kind donation sa kauna-unahang outreach mission ng Malacañang Press Corps

Tumanggap ng cash, bigas, at iba pang in-kind donation ang Asilo de San Vicente de Paul Orphanage sa Maynila mula sa kauna-unahang outreach mission ng Malacañang Press Corps (MPC).

Pinangunahan ni MPC President Pia Gutierrez at iba pang MPC officers at members ang pag-turnover ng P36,000 cash, 10 sako ng 50-kilograms na bigas, at iba pang in-kind donation.

Bukod dito, nakiisa at nagpaabot din ng tulong ang Presidential Photojournalists Association, Malacañang Cameramen Association, at Presidential Communications Office.

Sa kasalukuyan ay nasa humigit-kumulang tatlumpung bata ang inaaruga ng Asilo de San Vicente de Paul.

Inaasahan namang ipagpapatuloy ng MPC ang outreach projects katuwang ang iba pang media groups na nagco-cover sa Palasyo. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author