dzme1530.ph

Orange rainfall, ibinaba na sa ilang lugar sa bansa

Loading

Ibinaba na sa orange rainfall warning level ang bahagi ng Zambales, Bataan, Bulacan, Pampanga, Metro Manila, Cavite, Batangas, at Rizal.

Ayon sa PAGASA, asahan ang banta ng pagbaha sa mga flood-prone areas mula sa mga nabanggit na lugar.

Nasa ilalim naman ng yellow rainfall warning level ang Tarlac, Nueva Ecija, at Laguna, na posibleng makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar.

Sa kabila nito, asahan ang light to moderate na may manaka-nakang malakas na pag-ulan sa Quezon na posibleng magtagal sa loob ng tatlong oras.

Pinapayuhan ang publiko at ang local Disaster Risk Reduction and Management Offices (DRRMOs) na patuloy na mag-monitor sa lagay ng panahon at mag-abang ng susunod na babala na ilalabas ng PAGASA.