dzme1530.ph

Optical Media Board, hinamong patunayan na ‘di dapat i-abolish

Loading

Hinamon ni Sen. Sherwin Gatchalian ang Optical Media Board (OMB) na patunayan ang pangangailangang panatilihin ang kanilang ahensya at huwag itong buwagin.

Sa pagtalakay ng Senado sa panukalang pondo ng OMB, iginiit ni Gatchalian kay OMB Chairperson Dennis Pinlac na magpakita ng datos at impormasyon upang mapatunayan na may saysay pa rin ang operasyon ng ahensya at buhay pa ang industriya ng optical media sa bansa.

Ayon kay Gatchalian, dapat malinawan kung lumalago pa o unti-unti nang lumiit ang industriya ng optical media.

Ipinaliwanag ng senador na kung lumalago ang industriya, may dahilan upang manatili ang OMB; ngunit kung lumiit na ito, dapat nang pag-isipan kung may silbi pa ang ahensya.

Tiniyak naman ni Pinlac na maghahain sila ng komprehensibong datos hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng optical media industry sa bansa.

Matatandaang inihain na ni Senador Jinggoy Estrada ang Senate Bill No. 991 na naglalayong tuluyang buwagin ang OMB.

About The Author