Nagbigay ng pahayag si PNR General Manager Jeremy Regino kaugnay sa mga alegasyon ng umano’y kanyang paglabag sa Republic Act No. 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Republic Act No. 9184 o Government Procurement Reform Act.
Nag-ugat ang reklamo sa kanya sa umano’y maanomalyang pag-upgrade ng trainsets propulsion at monitoring system ng LRT-2 na isinampa ni anti-graft advocate Atty. Gerry Francisco.
Ayon kay GM Regino, mariin niyang itinangi na wala siya nang mangyari ang pirmahan sa pagitan ng contract on train propulsion.
Dagdag pa ni Regino, ang pagdawit sa kanyang pangalan ay may ibang motibo, maliban sa anumang makabayang dahilan.
Ilalaan na lamang niya sa kanyang sarili ang karapatan na magsagawa ng mga legal na aksyon sa tamang panahon laban sa mga may-akda at pasimuno ng malisyosong reklamo o malicious complaint.
Tinawag ni Regino na isang iresponsableng pagsasampa ng kaso ang ginawa ni Francisco dahil hindi nito hindi isinasaalang-alang ang kanyang mga posibleng pananagutan. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News