dzme1530.ph

Opisyal ng MMDA na namahiya ng pulis, sasailalim sa anger management training

Loading

Sasailalim sa Anger Management Training ang opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na namahiya ng police official dahil sa paglabag sa parking rules.

Gayunman, sinabi ng MMDA na mananatili sa pwesto nito si Gabriel Go bilang pinuno ng Special Operations Group-Strike Force, na ang mandato ay alisin ang mga sagabal sa trapiko.

Inatasan ni MMDA Chairman Don Artes si Go na sumailalim sa “Five-Day Training Mentorship Coaching on Traffic Management, Focusing on Leadership, Courtesy, and Discipline and with Special Attention on Stress and Anger Management.

Nilinaw ng ahensya na ang desisyon ni Artes ay hindi isang uri ng parusa, kundi upang mapagbuti pa ni go ang sarili.

Ang 5-day Training Mentorship Coaching ay isasagawa sa ilalim ng Guidance ni Edison Nebrija ng MMDA Traffic Education Division.

About The Author