dzme1530.ph

Opisyal ng CBCP, hinimok ang publiko na huwag ikampanya si Cardinal Tagle bilang susunod na Santo Papa

Loading

Nanawagan ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga deboto na huwag ikampanya si Luis Antonio Cardinal Tagle para maging susunod na Santo Papa.

 

Sa report ng International News Outlets, tinukoy si Tagle bilang posibleng kapalit ni Pope Francis na pumanaw noong lunes sa edad na 88.

 

Ayon sa Reuters, kapareho ng Filipino Cardinal ang commitment sa social justice ng namayapang santo Papa, at mayroon itong Pastoral at Administrative experience.

 

Sinabi ni Father Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs, na huwag na sanang i-post ang pangalan ni Cardinal Tagle dahil unang-una ay hindi rin naman niya ito gugustuhin.

 

Idinagdag ni Secillano na wala ring magagawa ang publiko dahil ang magpapasya ay Cardinal electors sa ilalim ng guidance ng holy spirit.

 

Dapat aniyang ipagdasal ng mga pilipino na pumili ang diyos ng santo papa na mahusay na pamumunuan ang simbahan, sa gitna ng kinakaharap nitong mga isyu.

About The Author