dzme1530.ph

Operasyon ng PNR sa Metro Manila, sususpindehin sa loob ng 5-taon simula sa Marso 28

Nakatakdang suspindehin ng Philippine National Railways (PNR) ang kanilang operasyon sa Metro Manila sa loob ng limang taon, simula sa March 28.

Ito ay upang bigyang-daan ang konstruksyon ng North South Commuter Railway (NSCR) Project.

Ayon sa pamunuan ng PNR, pansamantalang ititigil ang operasyon sa mga istasyon ng Governor Pascual patungong Tutuban at Tutuban patungong Alabang.

Sinabi naman ni Dept. of Transportation Sec. Jaime Bautista na layunin ng hakbang na matiyak ang seguridad ng mga pasahero habang itinatayo ang North South Commuter Railway.

About The Author