dzme1530.ph

Operasyon ng MRT-7, sisimulan sa 2027, ayon sa DOTr

Loading

Tiniyak ni Transportation Sec. Vince Dizon na sisimulan ang operasyon ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7) pagsapit ng 2027, bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Sinabi ni Dizon na delayed na ng mahigit isang dekada ang MRT-7 at sa wakas ay makukumpleto na ito, alinsunod sa utos ng Pangulo na pabilisin ang timeline ng proyekto.

Idinagdag ng Kalihim na kailangan ding bilisan ang konstruksyon ng common station project upang makalipat ang mga commuter sa pagitan ng MRT-7, MRT-3, at LRT-1.

Sa sandaling makumpleto, iiksi ang oras ng biyahe mula North Avenue sa Quezon City patungong San Jose Del Monte sa Bulacan, at makatutulong para gumaan ang trapiko sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

About The Author