dzme1530.ph

OPERASYON NG LRT-2, SUSPENDIDO SIMULA APRIL 2 HANGGANG 5

Loading

Suspendido ang operasyon ng Light Rail Transit o LRT-2 simula sa April 2, Huwebes Santo hanggang sa April 5, Easter Sunday.

 

Ito, ayon sa Light Rail Transit Authority o LRTA, ay upang bigyang daan ang annual maintenance activities sa tren.

 

Tiniyak namang regular operations pa rin ang LRT-2 sa Holy Wednesday, April 1.

 

Pinapayuhan ng LRTA ang lahat ng pasahero na planuhin ang kanilang biyahe nang maaga at gumamit ng alternatibong transportasyon sa mga araw na walang operasyon ang kanilang linya.

 

Magbabalik ang normal operations ng LRT-2 sa April 6.

 

Una na ring nag-anunsyo ng suspensyon ng operasyon mula April 2 hanggang 5 ang Metro Rail Transit 3.

About The Author