Operasyon ng LRT-1, LRT-2, at MRT-3, suspendido sa Huwebes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay

dzme1530.ph

Operasyon ng LRT-1, LRT-2, at MRT-3, suspendido sa Huwebes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay

Loading

Suspendido ang operasyon ng LRT-1, LRT-2, at MRT-3 simula sa April 17, Huwebes Santo hanggang April 20, Linggo ng Pagkabuhay.

Ito ay upang bigyang daan ang kanilang taunang maintenance activities tuwing Semana Santa.

Lahat ng tren ng LRT-1 ay sasailalim sa testing at inspection bago bumalik ang normal na operasyon sa April 21.

Pinaalalahanan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang mga commuter ng LRT-2 na planuhin at gumamit ng alternatibong transportasyon sa mga naturang petsa.

Sa bahagi naman ng MRT-3, sinabi ng pamunuan nito na mao-obserbahan pa rin ang extended operating hours sa April 16 na ang huling tren ay aalis ng 10:30 p.m. mula sa North Avenue Station at 11:09 p.m. mula sa Taft Avenue Station.

About The Author