dzme1530.ph

Operasyon ng Consular Offices, at Temporary Off-Site Passport Services, suspendido simula bukas

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa publiko na pansamantalang suspendido ang mga operasyon ng konsulado sa DFA ASEANA, Consular Offices (COs), at Temporary Off-Site Passport Services (TOPS) sites sa buong bansa bukas sa Hunyo 12 at 17, 2024,

Ayon sa DFA ito ay alinsunod sa Presidential proclamation no. 368 na may petsang Oktubre 11, 2023 na nagdedeklara sa mga nasabing petsa bilang regular holidays para sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan at Eid’l Fitr (Feast of Sacrifice).

Magpapatuloy ang regular na operasyon at serbisyo sa Hunyo 13 at 18, 2024.

About The Author