dzme1530.ph

OPENING DAY NG 2022 METRO MANILA FILM FESTIVAL, DINAGSA.

Dinagsa ng publiko ang pagbubukas ng 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sa unang araw ng MMFF kahapon araw ng pasko, pumila ang moviegoers sa mga sinehan sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ito ay senyales ng pagbabalik ng sigla ng mga sinehan sa harap ng magta-tatlong taon ng COVID-19 Pandemic.

Nanuod kasama ng fans sina Vice Ganda at birthday girl na si Ivana Alawi para sa kanilang MMFF Entry na Partners in Crime.

Dinagsa rin ang mga pelikulang Deleter ni Nadine Lustre, at romantic-comedy film na Labyu with An Accent nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria.

Tampok din sa MMFF 2022 ang My Teacher nina Toni Gonzaga at Joey De Leon, Nanahimik ang Gabi ni Ian Veneracion at Heaven Peralejo, My Father, Myself, drama film na Family Matters, at Mamasapano: Now It Can Be Told.

Ipalalabas ang walong entries sa 2022 MMFF hanggang sa January 7, habang itinakda naman bukas December 27 ang Awarding Ceremony.

About The Author