dzme1530.ph

Online platform para sa medical at social services assistance, inilunsad ng Senado

Pinadali na ng Senado ang proseso sa paghingi ng medical at social services assistance sa pamamagitan ng kanilang online platform na Senate Assist.

Pinangunahan ni Senate President Francis Escudero ang paglulunsad ang Senate Assist platform sa Tuguegarao City at Talisay City, Cebu.

Sa pamamagitan ng online platform, hindi na kinakailangang personal na magtungo sa Senado ang mga hihingi ng tulong at magagawa na lamang ito via online.

Sinabini Escudero na ang Senate Assist platform ay isang lifeline na kokonekta sa bawat Pilipino na kapos sa pangangailangan kahit nasa malayong lugar.

Nangako si Escudero na magpapatuloy ang kanilang pagsaayos at pagpapalawak ng kakayahan ng kanilang platform upang mas maraming Pilipino ang makinabang.

Binigyang-diin pa ng senate leader na ang kanilang misyon ay makaagapay sa mga Pilipino sa lahat ng pagkakataon at kahit saang lugar. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author