dzme1530.ph

Online gambling site ipagbabawal ni Sen. Padilla

Isinusulong ni Sen. Robin Padilla ang panukala na magbabawal ng promosyon ng lahat ng online gambling-related content sa internet o sa social media.

Layon ng Senate Bill 2602 ni Padilla na maiwasang mahikayat ang kabataan na malulong sa online gambling.

Nakasaad sa panukala na ang sinumang lalabag ay papatawag ng isa hanggang tatlong taon na pagkakakulong at pagmumultahin ng hanggang kalahating milyon piso.

Binigyang-diin ng senador sa kanyang panukala na maiuugnay ang pagsusugal sa maraming problema tulad ng adiksyon, krimen, at “social issues” na maaaring sumira sa “moral fiber” ng bayan.

Ayon sa Chairman ng Senate Committee on Public Information and Mass Media, kailangang bawasan ang pagkakalantad ng pagsusugal lalo sa kabataan.

Alinsunod sa panukala, mandato ng Department of Justice na maglabas ng kautusan upang harangin ang online content para sa promosyon ng anumang sugal.

Inaatasan din ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Telecommunications Commission (NTC) na mag-monitor sa pagtalima sa kautusan ng DOJ.

About The Author