Suportado ni Health Sec. Teodoro Herbosa ang panukalang i-ban o mahigpit na i-regulate ang online gambling.
Kasabay ito ng pagbibigay-diin na ang pagka-adik sa sugal ay isang mental health issue.
Sinabi ni Herbosa na maraming pamilya ang lulong sa online gambling dahil ito ay very accessible sa pamamagitan ng cellphone.
Idinagdag ng health chief na maaaring maapektuhan ng sugal ang kapasidad ng tao na makapagtrabaho nang maayos o magdulot pa ng kapahamakan.