dzme1530.ph

Ongoing reorganization sa Gabinete ni Pangulong Marcos, marami pang tatamaang mga opisyal, ayon kay ES Bersamin

Loading

Marami pang maaapektuhang opisyal at mailuluklok na appointees sa reorganization sa Gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang nagpapatuloy ang ebalwasyon.

Ginawa ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang pahayag, ilang araw matapos niyang ianunsyo ang pag-alis at paglipat sa puwesto ng nasa tatlong Cabinet members.

Sinabi ni Bersamin na malinaw na mayroon itong proseso at hindi maaring pagsabay-sabayin ang paghuhusga sa mga opisyal.

Idinagdag ng Punong Kalihim na prayoridad ng Office of the President ang pagre-review sa mga departamento na direktang sangkot sa basic services at sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino.

About The Author