dzme1530.ph

Ongoing maintenance activities ng NGCP, pinamamadali ng DOE

Pinamamadali ng Department of Energy (DOE) sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang pagkumpleto sa mga ongoing project at maintenance activities upang maiwasan ang power outages ngayong tag-init.

Noong Lunes, nabatid na isinailalim sa red alert ang Luzon grid dahil sa naranasang forced outages ng ilang planta sa rehiyon bunsod ng aberya sa Masinloc-Bolo 230kilovolt transmission line ng NGCP habang itinuturo namang dahilan ang kakulangan ng transmission system kung kaya’t nagkaroon ng power outages sa Panay at Negros.

Dahil dito, hiniling ng DOE sa NGCP na agad na tugunan ang power generation, transmission, at distribution systems, at bantayan ang ancillary services nito.

Sinabi pa ng ahensya na posibleng isailalim sa yellow alert ang Luzon grid nng hanggang 15 beses simula ngayong Mayo. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author