Inilunsad ngayong umaga ng Party List Kabataan ang “One Million Vote” campaign para sa tunay na youth representation sa pamahalaan.
Nagtipun-tipon ang mga kabataan o youth leaders para ipanawagan ang suporta sa Kabataan Party-List na magkaroon ng sapat na kinatawan sa Kongreso at iba lang lebel ng pamahalaan.
Pinangunahan ni Kabataan Party List Rep. Raoul Manuel ang pagtitipon kasama si Atty. Rene Louise Co, former Kabataan Rep. Raymong Palatino, at mga kandidatong sa pagka-konsehal sa Las Piñas, Quezon City, Muntinlupa City, iba’t ibang Sangguniang Kabataan at Student Councils officers.
Target nilang makakuha ng isang milyong boto mula sa hanay ng kabataan para sa tunay na representasyon sa pamahalaan.