dzme1530.ph

Omegle, nagsara matapos ang 14 na taon

Matapos ang labing-apat na taong operasyon, inanunsyo ng founder na si Leif K-Brooks ang pagsasara ng kaniyang sikat na website na omegle.

Isa sa mga rason kung bakit hindi niya na muling patatakbuhin ang website ay dahil sa stress at labis na gastos na dulot nito sa kaniya bilang founder.

Napag-alaman din na maraming user ang gumagamit nito sa malisyosong pamamaraan.

Nagpapasalamat naman ang founder sa mga user na ginamit sa maayos o tapat na pamamaraan ang plataporma.

Ulat ni Fremie Belamala, DZME News

About The Author