dzme1530.ph

Ombudsman, sumulat na sa Senado para hilinging panatilihin na lamang sa P1-M ang kanilang confidential fund

Kinumpirma ni Senate Finance Committee Chairman Sonny Angara na pormal nang sumulat sa kanila si Ombudsman Samuel Martires para panatilihin sa P1-M ang confidential fund ng kanilang tanggapan.

Sa liham na ipinadala ni Martires kay Angara na may petsang October 6, 2023, hiniling nito na limitahan o ibaba sa P1-M ang confidential and intelligence fund (CIF) ng Ombudsman para sa taong 2024-2025 o hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino.

Sa panukalang 2024 national budget, mayroong P51.468-M na confidential funds ang Office of the Ombudsman.

Nauna nang sinabi ni Martires na handa siyang ipaalis sa Kongreso ang confidential fund lalo na kung mababahiran ang reputasyon ng mga opisyal at ng buong tanggapan.

Sinabi rin ni Martires na hindi makakaapekto sa functions o tungkulin ng Ombudsman kung tatanggalan ito ng confidential funds at maaari namang makakuha ng mga impormasyon sa ibang paraan na hindi gumagastos ng malaking halaga tulad ng pangiti-ngiti at paglilibre ng kape sa mga kaibigan.

Pinapurihan naman ni Angara ang aksyon ni Matires at iba pang tanggapan na nagsuko ng kanilang confidential fund para sa susund na taon. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author