Umapela si Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa publiko para sa karagdagang pasensya sa gitna ng isinasagawang mga imbestigasyon ng gobyerno sa ma-anomalyang flood control projects.
Ginawa ni Remulla ang pahayag, kasunod ng reports na magkakaroon ng lingguhang kilos-protesta para igiit ang accountability laban sa mga personalidad na sangkot sa katiwalian.
Binigyang-diin ng Ombudsman na kailangan nilang sumunod sa proseso, dahil posibleng sila ang malintikan kapag mayroon silang nalabag na karapatan.
Idinagdag ni Remulla na bukod sa flood control ay marami pa aniyang raket na dapat tingnan, at kanya itong tututukan.