dzme1530.ph

Ombudsman, pinabulaanan ang pahayag ng Senador sa napipintong kaso sa flood control

Loading

Pinabulaanan ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang pahayag ni Senador Imee Marcos na maghahain na umano ito ng kaso sa susunod na linggo kaugnay ng flood control corruption.

Ayon kay Remulla, hindi umano siya magbibigay ng anumang petsa sa posibleng paghahain ng kaso, bagama’t tiniyak niya na maayos at tuloy-tuloy ang imbestigasyon.

Aniya, mas mainam na iwasan ang pagbanggit ng mga petsa upang hindi mauna ang espekulasyon at maiwasan din ang maling interpretasyon ng publiko.

Nauna nang sinabi ni Senator Marcos na magsasampa umano ng kaso ang office of the ombudsman sa January 15 ,laban kina Senador Joel Villanueva, Jinggoy Estrada, at dating Senador Bong Revilla.

Hindi naman diretsang pinangalanan ni Remulla ang mga sangkot, subalit binigyang-diin na ipagpapatuloy ng Ombudsman at ng Department of Justice ang kanilang mga gawain.