dzme1530.ph

Ombudsman, kailangan munang maghintay ng hatol ng impeachment court kay VP Sara, ayon sa House prosecution

Loading

Kailangan munang hintayin ng Office of the Ombudsman ang hatol ng Senate impeachment court kay Vice President Sara Duterte bago magpasya kung haharap ito sa criminal prosecution, batay sa nakasaad sa Ombudsman Law.

Paliwanag ni House Prosecution Panel Spokesperson Antonio Audie Bucoy, ang impeachment proceedings ang pinakamataas na antas para papanagutin ang isang impeachable official.

Idinagdag ni Bucoy na sa ilalim ng Ombudsman Act o Republic Act 6770, mayroong dalawang probisyon na sinasabing hindi maaaring imbestigahan ng Ombudsman ang impeachable official dahil ang mekanismo na nasa Saligang Batas ay impeachment, na ang may hurisdiksyon ay Senado, bilang impeachment court.

Ikalawa aniya ay maaaring imbestigahan ng Ombudsman ang impeachable official kung ang layunin nito ay maghain ng verified impeachment complaint.

Una nang inatasan ng Ombusdman si VP Sara na sagutin ang mga alegasyon ng criminal activities, gaya ng technical malversation, falsification of public documents, perjury, bribery, plunder, at iba pa.

About The Author