dzme1530.ph

Ombudsman, inatasan ang DOJ, DILG at PNP na sumagot sa mga reklamo kaugnay ng pag-aresto kay FPRRD

Loading

Inatasan ng Ombudsman sina Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, Interior Secretary Jonvic Remulla, PNP Chief General Rommel Marbil, at dalawang iba pa, na sagutin ang mga alegasyon laban sa kanila.

Kaugnay ito sa naging pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso.

Bilang tugon sa ipinadalang report ng Senate Committee on Foreign Relations na pinamumunuan ni Senador Imee Marcos, inatasan ng Ombudsman ang mga nabanggit na opisyal na sagutin ang mga alegasyon ng arbitrary detention, usurpation of judicial functions, usurpation of authority or official functions, at false testimony.

Ang iba na inatasang ding tumugon ay sina Special Envoy on Transnational Crime Markus Lacanilao at Criminal Investigation and Detection Group Chief Police Major General Nicolas Torre III.

Sa isa pang order, inutusan din ang mga opisyal na sagutin ang reklamo para sa grave misconduct and conduct prejudicial to the best interest of the service.

About The Author