dzme1530.ph

OMBUDSMAN, HIRAP MAKUHA ANG SALN NG MGA INIIMBESTIGAHANG KONGRESISTA

Loading

Kinumpirma ni Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla na nahihirapan ang kanilang mga imbestigador na makuha ang statements of assets, liabilities, and net worth ng mga kongresistang kanilang iniimbestigahan. 

 

Ito ay may kaugnayan sa pagsisiyasat nila sa anomalya sa flood control projects.

 

Sinabi ni Remulla na sinabihan sila ng House Secretary General na kailangan ng approval mula sa plenaryo ng kamara kung nais ng mga imbestigador ng Ombudsman na i-access ang SALN ng mga mambabatas.

 

Aminado si Remulla na hindi niya maunawaan kung bakit kailangang idelay ang proseso ng kanilang pagsisiyasat.

 

Pinuna rin niya ang isyu ng conflict of interest dahil ilan sa mga nasa Office of the Secretary General ay nagtrabaho sa mga mambabatas na iniimbestigahan.

 

Hindi anya nila maiwasang isipin na may pinoprotektahan sa pagsisiyasat.

About The Author