Hinimok ni Sen. Alan Peter Cayetano ang Ombudsman na magsagawa ng lifestyle checks sa mga opisyal ng gobyerno bilang dagdag panangga laban sa korapsyon.
Paliwanag ni Cayetano, mahalaga ang pagsusuri kung ang pamumuhay ng isang opisyal ay tumutugma sa kanyang idineklarang yaman sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).
Binigyang-diin nito ang kahalagahan ng simpleng pamumuhay ng mga lingkod-bayan, lalo na ngayong nabubulgar ang mga alegasyon ng katiwalian sa flood control at ghost projects.
Aniya, napakahalaga ng pagpili ng isang matuwid at proactive na Ombudsman upang maibalik ang tiwala ng publiko sa gobyerno.