dzme1530.ph

Ombudsman, binatikos si Cebu Gov. Gwen Garcia dahil sa pagsuway nito sa suspension order

Loading

Binanatan ni Ombudsman Samuel Martires si suspended Cebu Governor Gwen Garcia dahil sa desisyon nitong manatili sa posisyon.

Sa kabila ito ng inisyung preventive suspension ng Ombudsman laban sa Gobernadora.

Sinabi ni Martires na hindi na nakakagulat ang pagmamatigas ni Garcia dahil hindi ito ang unang pagkakataon na sumuway ang opisyal sa rule of law, partikular sa lawful order and decision ng Office of the Ombudsman.

Pinatawan ang anim na buwang suspensyon ang Re-electionist Cebu Governor bunsod ng pagbibigay ng pahintulot na isyuhan ng permit ang isang construction company kahit walang environmental compliance certificate.

About The Author