Nilamon ng apoy ang Old Stock Exchange sa Copenhagen, na isa sa mga pinakasikat na landmark sa kabisera ng Denmark.
Sa laki ng apoy nahati ang naglalagabgab na iconic spire bago bumagsak, na nagpa-alala sa nangyaring sunog sa Notre-Dame Cathedral sa Paris noong 2019.
Kaniya-kaniya namang bitbit ng malalaking paintings palayo sa nasusunog na building ang emergency services, mga empleyado mula sa Danish Chamber of Commerce, pati na ang kanilang CEO na si Brian Mikkelsen, upang maisalba ang makasaysayang artefacts mula sa apoy.
Nagpadala naman ang National Museum ng Denmark ng mga empleyado sa pinangyarihan ng sunog upang tumulong sa pag-evacuate ng cultural artefacts at paintings.