Itinuturing ni Mindoro Oriental Governor Humerlito ‘Bonz’ Dolor na isang ‘Victory over tragedy’ ang pagkalutas sa Oil Spill tragedy sa karagatan ng Mindoro noong 2023
‘Fastest in the whole world’
Sa panayam kay Dolor, ihihayag nito ang matagumpay na response and recovery ng Oriental Mindoro sa nangyaring Oil Spill.
“Kaya nga naitala sa kasaysayan that the oil spill recovery and response in the province of Oriental Mindoro is the fastest in the whole world in its history” saad ni Dolor.
Ipinagmalaki rin ni Dolor ang naging pagtutulungan ng gobyerno at mga private sector para mapabilis ang pagbangon ng probinsya mula sa trahedya.
Safe and normal
Mariing naman itinanggi ni Governor Dolor ang ulat ng Center for Ecology, Energy and Development (CEED) na hindi pa ligtas para pangisdaan ang karagatan ng probinsya.
Inihayag din ng gobernador na matapos ang unang isang daang araw ay naibalik agad sa safe at normal level ang water quality kaya’t walang dapat ipangamba ang publiko.
Dagdag ni Gov. Dolor na mula pa noong September 29, 2023 ay inirekomenda na ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang pag-alis ng state of calamity sa buong lalawigan.
“Our decision to lift, to recommend the lifting is based on a six-cycle, regular testing made by the Department of Health and the Department of Environment and Natural Resourced on the grease and oil levels,” dagdag pa ng gobernador.
Samantala, tumanggap naman ang mga biktima ng tulong mula sa Oil Pollution Compensation Fund at iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan.