dzme1530.ph

Oil spill recovery efforts sa lumubog na MT Princess Empress sa OrMin, nakumpleto na!

Nakumpleto na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang oil spill recovery efforts sa lumubog na MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro.

Ayon kay PCG Spokesperson Armand Balilo, siniguro ng Malayan Towage and Salvage Corporation sa ahensya na tapos na ang oil spill operation sa pamamagitan ng pagpapakita ng walong tangke sa loob ng motor tanker na walang laman.

Aniya, nakita rin ng DENR, Office of the Civil Defense, BFAR, DOST at lokal na pamahalaan ng oriental Mindoro ang footage ng remotely-operated vessel.

Sa kabila nito, patuloy pa rin ang damage assessment at clean-up operation sa mga dalampasigan ng naapektuhang lugar. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author