dzme1530.ph

Oil removal, control experts ng Japan, tutulak sa Pinas ngayong araw

Nakatakdang dumating sa bansa ngayong araw ang oil removal at control experts ng Japan para tumulong sa paglilinis ng oil spill mula sa lumubog na motor tanker sa Oriental Mindoro. 

Ayon kay Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa, ang eight-man Japan Disaster Relief (JDR) Expert team ay binubuo ng mga miyembro mula sa Japanese Coast Guard, Japan International Cooperation Agency, at ng embahada ng Japan sa Pilipinas. 

Magsasagawa ang grupo ng disaster surveys at mangangasiwa ng kasalukuyang pag-alis at pagkontrol ng oil leak mula sa lumubog na MT Princess Empress na may lulang 800,000 liters ng industrial fuel oil. 

Samantala, umaasa ang pamahalaan ng Japan na makatutulong ang nasabing grupo upang maibalik ang marine environment sa Oriental Mindoro.

About The Author