dzme1530.ph

Oil price rollback, posible sa susunod na linggo

Loading

Posible na bahagyang makahinga ang mga motorista sa susunod na linggo, matapos ang dalawang bugso ng malakihang taas-presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.

Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, sa nakalipas na dalawang araw, batay sa Mean of Platt Singapore (MOPS), mayroong tiyansa na magkaroon ng price rollback sa oil products.

Gayunman, sinabi ni Romero na masyado pang maaga para tiyakin na mayroong aasahang bawas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa projection ng JETTI Petroleum, batay sa MOPS trading, posibleng magkaroon ng ₱0.80 hanggang ₱1.10 na rollback sa kada litro ng diesel.

Posible naman na tumaas ng ₱0.10 o bumaba ng ₱0.20 ang kada litro ng gasolina.

About The Author