Inaasahang magkakaroon ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpaniya ng langis bukas, Hunyo a-20.
Sa pagtaya ng Department of Energy (DOE), aabot sa P0.20 sentimos hanggang P0.50 sentimos ang bawas-presyo sa kada litro ng gasolina.
Habang wala namang inaasahang paggalaw o umabot ng hanggang P0.20 sentimos ang ibababa ng presyo sa kada litro ng diesel.
Maaari namang matapyasan ng P0.10 hanggang P0.30 ang kada litro ng kerosene.
Sinabi ng DOE na ang price adjustment ay bunsod ng pagbaba ng presyo ng kada litro ng mga imported na oil products. —sa panulat ni Joana Luna