Naglabas ng advisory ang Department of Migrant Workers (DMW), kung saan oblidago ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) na patungong Canada na sumailalim sa verification process ng ahensya.
Sinabi ni DMW Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac na inilabas nila ang abiso sa gitna ng reports na ilang Pinoy workers na patungong Canada ang siningil ng unauthorized recruitment fees.
Aniya, ang problema kasi ay ilang OFW ang nakikipag-deal sa mga recruiter na hindi lisensyado ng DMW at naniningil ng napakalaking fees.
Layunin ng ahensya na masugpo ang illegal recruitment at trafficking of persons, at para na rin ma-monitor ang kalagayan ng mga OFW at mabigyan sila ng social protection sa pakikipagtulungan ng Overseas Workers and Welfare Administration (OWWA).