Inanunsyo ng Department of Migrant Workers (DMW) na maaari nang i-download ang mobile app na OFW pass mula sa 10 pilot countries.
Sinimulan kahapon, Hulyo a-23, kung saan maaari nang magdownload ang mga OFWs sa Google Play Store at Apple App store batay na rin sa sumusunod na iskedyul ng test roll out activation, na nakabase sa Saudi Arabia, United Arab Emirates, Singapore at Hong Kong.
Habang simula ngayong araw ay maaari na ring mag-download at gumamit ng app ang mga OFW na nakabase sa Qatar, Malaysia, Oman, Japan, Taiwan at United Kingdom.
Kailangan lamang magbigay ng hinihinging requirements para sa pag-aapply ng OFW pass, tulad ng visa at ID card para sa:
Saudi Arabia, UAE – residence card
Singapore – employment card, ID card
Hong Kong – ID card, at permanent ID card
Qatar – residence permit, visa
Malaysia – ID card, permanent residence card
Oman – ID card, residence car
Japan – ID card, MU Number card, residence card visa
Taiwan – alien resident card, residence card
UK – application registration card at residence permit visa