dzme1530.ph

OFWs, binalaang maghinay-hinay sa bantang zero remittance week

Loading

Binalaan ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile ang mga overseas Filipino worker na maghinay-hinay sa bantang zero remittance week bilang protesta sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa Facebook post, sinabi ni Enrile na maaaring magdulot ito ng hindi kanais-nais na epekto tulad ng pagkawala ng ilang tax benefits ng OFWs.

Payo ni Enrile sa OFWs, pag-isipang mabuti ang plano dahil maaaring gumanti ang gobyerno.

Iginiit pa ni Enrile na bawat aksyon ay may katapat na reaksyon.

Paliwanag ni Enrile, hindi nagbabayad ng income tax ang mga OFW sa kanilang kinikita sa abroad.

Bukod dito, hindi rin pinagbabayad ng gobyerno ang OFWs ng travel tax, airport fees, at documentary stamp taxes sa kanilang remittances.

Hindi rin aniya inoobliga ng pamahalaan ang OFWs na maghain ng income tax returns.

Sinabi pa ni Enrile na prebilihiyo rin ng Kongreso sa mga OFW ang pagkakaroon ng pasaporte para makapagtrabaho sa abroad.

Tanong ni Enrile, kung ipatutupad ng OFWs ang plano, paano kung gantihan sila ng Kongreso at tanggalin ang lahat ng tax privileges. — sa panulat ni Chona Yu, DZME News

About The Author