Pangungunahan ni KABAYAN Party-list Representative Ron Salo ang isang Congressional Mission sa Tripoli, Libya para personal na alamin ang paghahanda at proteksyon sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) duon.
Ayon kay Salo, Chairman ng Committee on Overseas Workers Affairs, aprubado na ni House Speaker Martin Romualdez ang Congresional mission para sa High-level talks.
Kanila umanong susuriin ang Contingency plans ng mga opisyal duon at pag-aralan kung dapat pang ituloy ang deployment ban sa Libya.
Para kay Salo napapanahon ang Congressional mission dahilan sa unstable ngayon ang Middle East sa gitna ng tensyon sa Israel-Iran-Hamas conflict.
May imbitasyon din umano si Libyan Ministry of Labor and Rehabilitation Undersecretary for Employment Affairs Ali Al-Hadi Al-Maqouri.
Pangunahing paksa ay ang Employment opportunities para sa mga Pinoy at ang posibleng pagbawi sa Deployment ban na ipinataw noong pang 2019.
Sa ngayon nangangailangan ng mga manggagawa ang Libya partikular ang Libyan Oil Companies, Construction Firms at mga paaralan.