dzme1530.ph

Office of the President, nagpakain ng 1,500 katao para sa kaarawan ni PBBM sa Biyernes

Nagpakain ang Office of the President ng 1,500 katao, bilang bahagi ng selebrasyon para sa ika-67 kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Biyernes, Setyembre 13.

Alas-9:30 ng umaga nang magsimula ang pamamahagi ng pagkain sa mga residenteng pumila sa Presidential Action Center dito sa Malacañang Complex.

Kabilang sa mga ipinamigay ay pork adobo rice meal, chicharon, mamon, at iba pa.

Sinimulan ang pakain noon pang Lunes at magtutuloy-tuloy ito sa mga susunod na araw hanggang sa mismong kaarawan ng Pangulo sa Biyernes, kung saan itataas sa 10,000 ang pakakainin.

Si Pangulong Marcos at ang First Family ay kasalukuyang nasa Ilocos Norte para sa paggunita sa kaarawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author