Idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Oktubre a-6, 2023, bilang special non-working day sa Mountain Province.
Ito ay para sa selebrasyon ng Provincial Indigenous People’s Day.
Sa Proclamation No. 348 na may lagda ni Executive Sec. Lucas Bersamin, sinabing ang holiday ay upang bigyang-daan ang mamamayan ng Mt. Province na makiisa sa okasyon.
Samantala, idineklara ring special non-working day ang Setyembre a-29 sa Iligan City para sa kapistahan ng lungsod.
Special non-working day din ang Oktubre a-5 sa Sta. Cruz, Davao del Norte para sa kanilang 139th founding anniversary. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News