Idineklara ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang October 30 ng bawat taon bilang “National Day of Charity”.
Sa Proclamation no. 598, nakasaad na mandato ng estado sa ilalim ng Saligang Batas ang pagtitiyak ng patas na social order upang masiguro ang kasaganahan at kalayaan ng mamamayan mula sa kahirapan, sa pamamagitan ng mga polisiyang lilikha ng social services, full employment, at pag-aangat sa kalidad ng pamumuhay para sa lahat.
Isinusulong din sa ilalim ng Bagong Pilipinas ang transformation sa lahat ng sektor at sa gobyerno, kung saan nangingibabaw ang pagmamalasakit at responsibilidad sa isa’t isa.
Kaugnay dito, inatasan ang Philippine Charity Sweepstakes Office na pangunahan ang pagdiriwang ng “National Day of Charity” kaakibat ng pagtukoy ng mga kaukulang programa, aktibidad, at proyekto.
Inutusan din ang lahat ng national gov’t agencies habang hinikayat ang mga lokal na pamahalaan, non-gov’t organizations, at pribadong sektor na magpaabot ng kaukulang suporta sa PCSO at aktibong makiisa sa National Day of Charity.