dzme1530.ph

Oct. 30, idineklara nang Special Non-Working Day para sa BSK Elections

Idineklara na ng Malakanyang ang Oktubre a-30, araw ng Lunes, bilang Special Non-Working Day.

Ito ay para sa pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sa ilalim ng Proclamation no. 359 na may lagda ni Executive Sec. Lucas Bersamin, nakasaad na nararapat lamang na bigyan ng oportunidad ang mga Pilipino na makalahok sa village elections.

Matatandaang ilang beses na ipinagpaliban ang BSKE sa bansa. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

Walang makuhang paglalarawan.

About The Author