![]()
Nakatutok ang Office of the Civil Defense (OCD) sa clearing operations sa 148 kalsada na hindi pa rin madaanan matapos manalasa ang Bagyong Uwan sa bansa.
Ayon kay OCD Deputy Administrator Asec. Bernardo Rafaelito Alejandro IV, tuloy-tuloy ang pag-aalis ng mga debris sa mga pangunahing kalsada upang bumalik sa normal ang daloy ng trapiko at makadaan na ang mga motorista sa ilang probinsya.
Nagpasalamat din si Alejandro sa kooperasyon ng publiko, na nagresulta sa mas maliit na pinsala.
Sa ngayon, patapos na rin ang isinagawang search and rescue operations ng ahensya.
