Isinailalim na sa state of calamity ang lalawigan ng Occidental Mindoro dahil sa lumalalang krisis sa suplay ng kuryente.
Ito ang sinabi ni Vice Governor Diana Apigo Tayag na higit isang buwan nang apat na oras kada araw lamang may suplay ng kuryente sa kanilang lugar.
Matindi na rin aniya ang epekto ng blackout sa pag-aaral ng mga estudyante, sa kalusugan, at kabuhayan ng mga residente sa lalawigan kung kaya idineklara ang state of calamity upang magamit ang calamity fund sa pagtugon sa power crisis.
Nabatid na sinabi ni Celso Garcia, General Manager ng Occidental Mindoro Electric Cooperative (OMECO), 12 megawatts lamang ang naisusuplay ng nag-iisa nilang power supplier na Occidental Mindoro Consolidated Power Corporation (OMCPC) ngunit nasa 30 megawatts ang pangangailangan ng probinsya. —sa panulat ni Airiam Sancho