Lumabas sa mga pag-aaral na nagpapalakas ng buto at enerhiya ng katawan ang dairy milk subalit mataas naman ito sa fats.
Kaya naman inirerekomenda ang oat milk bilang alternatibong gatas para rito.
Ito ay isang plant-based milk mula sa gluten-free oats na iniinom ng indibiduwal na may allergy o lactose intolerance.
Taglay ng oat milk ang vitamin A & D, B-vitamins, potassium at calcium at fiber na tumutulong sa pagpapababa ng cholesterol. –sa panulat ni Airiam Sancho