dzme1530.ph

NYC sa SK: Magpatupad ng mga programa higit pa sa sports

Loading

Nanawagan si National Youth Commission (NYC) Chairperson at Usec. Joseph Francisco Ortega sa mga Sangguniang Kabataan (SK) na maglunsad ng mga programang higit pa sa sports upang maabot ang mas maraming kabataan.

Ayon kay Ortega, bagamat masaya ang paligang pang-isports activity tulad ng basketball, dapat isama rin sa mga inisyatiba ang mga proyektong makapagbibigay ng training at kaalaman sa iba’t ibang kabataan, kahit sa mga hindi pisikal na aktibo.

Binanggit nito na marami sa kabataan ang may talento sa larangan ng matematika, agham, at astronomiya, na maaaring maging susunod na henerasyon ng eksperto sa mga ahensya tulad ng PAGASA at DOST.

Dagdag pa nito, kailangan ng bansa ng mga bagong lider na may malawak na kaalaman at talino, na maaaring magamit sa pamahalaan.

Kaugnay ng pagdiriwang ng International Youth Day, hinikayat ni Ortega ang mga opisyal ng SK na gamitin ang kanilang panunungkulan bilang paghahanda sa mas mataas na tungkulin at laging isapuso ang prinsipyo ng “pay it forward”.

About The Author