Sinuspinde na ng MMDA ang number coding scheme ngayong araw bunsod ng nararanasang sama ng panahon dulot ng Tropical Storm Enteng.
Dahil dito, ang mga sasakyan na may plakang nagtatapos sa 1 at 2 na sakop ng number coding kapag Lunes ay maaaring bumiyahe sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Base sa monitoring ng MMDA Metro Base may mga nararasang ng pagbaha na sa ilang kalsada sa NCR.
Bagamat gutter deep pa ang lalim ng tubig baha, inaasahan tataas pa ito kung magpapatuloy ang buhos ng ulan.
Samantala passable pa naman ang ilang daanan sa bahagi ng southern part ng Metro Manila partikular sa Pasay at Parañaque maliban sa bahagi ng Alabang Zapote Road kung saan lagpas tuhod na ang tubig baha. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News